Sunday, July 31, 2016

Pano Nga Uli Sabihin Ang "I Love You"?

Yung nakalimutan mo na pano sabihin ang "i love you."
Yung excited ka sa "love you too" pero di ka naman nasasabihan ng "love you."

Kelan ba ang huli?
Kelan nga ba uli?
Ikaw ba yun kung sakali?
Kung half-meant, di na bale. 

Hindi naman siya pa-fall
Sadya ka lang gamol
Teka, walang "siya."
Busy ka, wag mag-pantasya. 

Nangangalawang pala ang puso pag panay utak
Tumitigas kasama ang dila, at kamaong mismong nang-wasak
Buti pa ang bola nagba-bounce back
E ikaw, zero love life, unli dakdak. 

Pano na nga ba sabihin?
Kailangan pa bang aralin?
"I" ba sa English alphabet?
O "ay" sa Pinoy kasi "ay, love ay sabet!"?

Hindi ito ang buhay single
Since birth o konserbatibong model
Istorya 'to ng mga jaded
"I love you" ay di na solid.