Andaming nagkakalat ng Steve Dailisan error na actually ay News Department's Graphics Department's error, not his. Kala ko buhay ang bayanihan sa Pilipinas? Imbes na laughingstock ang ikalat nyo, bakit hindi relief operations' numbers ang i-post niyo dito nang makatulong pa kayo sa kapwa nyo? Nakakahiya kayo. And no, don't claim it's part of your sense of humor dahil every comic moment has its proper timing. In this pressing time, what you're posting is simply not helping.
Sorry pero batu-bato ni Pedring sa langit, tamaan na ang mga guilty. Maski safe kasi ako sa loob ng tahanan namin ay takot na takot pa rin ako sa lakas ng paghambalos ni Pedring sa labas. I thought, "how much worse yung mga Pilipinong homeless or informal settlers or maski may bahay na mismo ay nasalanta rin? E kung may lumipad na yero at mapugutan sila?"
At habang tayo ay enjoy na enjoy ngayon dahil nabalik na ang Internet connections natin, ang unang inatupag ng ilan sa'tin ay mag-repost ng kakatwang screencap?
Hindi po ako nagmamalinis o nagpapakadalisay dahil I'm yet to make my part sa recovery na 'to ng bansa pero at the very least, hindi naman ako nagpopo-post ng mga bagay na walang silbi, walang katuturan at walang patutunguhan kundi kiliti sa mga makikitid na utak ng iilan.
Patunayan nating may bayanihan at compassion tayo.
Hindi yung active ka lang online para mamahiya ng tao o mga taong higit sa lahat ay nagre-report ng pangyayari sa bansa para tayong lahat ay makapagbigay-aksyon at inaasahang makapaglingkod sa bayan.
For all we know, kaya nagka-typo error ay dahil nagmamadali, nagkukumahog at baka nagkakandarapa pang ihatid ng mga taga-Newsroom ang balita sa 'ting mga nangangailangan ng impormasyon FOR FREE.
Sana LIBRE rin ang KAWANGGAWA para maipamudmod sa mga taong salat dito. pero mukhang mahal ito kaya hindi afford ng iba. Buti nga naman ang Facebook libre kaya dito nila inuubos ang oras sa pagkakalat ng kapahiyaan ng mga Pilipino.
Civic responsibility is not a privilege.
Democracy is redundantly for free.
but compassion in times of crisis? It's innate.
What manifests from you the 1st time a sensational thing as this broadcasting error hits you is your 2nd nature as a human being.
At bilang panimulang maliit na tulong, let me start by sharing here Gawad Kalinga's contact details:
09175239777/09178888659.
For Baseco, contact Toby Madayag +639163200809.
For Filinvest 2, Quezon City, contact Justine Cruz +639162738260.
and DSWD's:
9318101 to 07
No comments:
Post a Comment