Friday, December 2, 2011

Napatula sa Sakit

Ang sarap makipaglaban sa sakit
Kapag walang gamot na susungkit
Sa mga mikrobyong sumasabit
Tahol-singa na lang ang nasasambit


Kapalit ng lagnat ay paghapdi
Ng nag-aalimpuyong paloob na labi
"Dyan ka lang sa loob!" sabi
Sa pagtitiis namula tuloy at nangati


Sige punuin mo ko 'gang sa mabingi
Tiyak bulag ka sa aking pagganti
Ililigaw ka sa loob 'gang magapi
Tubig, prutas, pahinga lang dagli na 'kong magiging oki!

No comments:

Post a Comment